PAGLALARAWAN
ANG AKING INA
Napili kong ilarawan ang aking ina na si Evangeline Cabacungan. Ang aking ina ay may kalakihan ngunit ganoon din kalaki ang pagmamahal na ibinibigay niya sa amin. Makikita sa kanyang mukha ang labis na tuwa kapag kami ay kasama. Mapapansing lagi itong nakangiti, palabati sa mga nakikita nya sa daan at marunong makisama. Hindi mo ito mapagkakamalang masungit sapagkat makikita mo na maaliwalas ang ipinapakita niyang mukha sa lahat. Sa anyong panlabas ay makikita mo na ang bilugan nitong mukha dala ang kanyang magagandang ngiti. Mapapansing may tinataglay din itong ganda. Marahil sa ibang tao ay hindi ito napapansin, ngunit sa akin ay siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Katulad na lamang ng nakikita ninyo sa larawan, ang aking ina na tumataguyod sa amin para kami'y makapagtapos. Nagtatrabaho gabi gabi upang matustusan ang pangangailangan ng mga anak. Kung gaano kaganda ang kanyang imaheng panlabas mas maganda ang katangiang panloob niya. Dahil sa palagi ko syang nakakasama sa araw araw. Mas nakikilala ko at mas lalo ako napapamahal sa kanya. Bagama't minsa'y nagagalit sya dahil sa kakulitang ng mga anak. Hindi ito naging hadlang upang sabihin ko na siya'y may magandang kalooban. Mailalarawan ko ang aking ina bilang mabait, masipag, mapagmahal, may takot sa diyos at marami pang magagandang ugali. Mapagmahal na ina at asawa, Ang pagmamahal na ata ng isang ina ang maituturing ko na "Greatest Love".
By: Maryiel C. Cabacungan
Yr/Sec: 1-8BSHM
Comments
Post a Comment