MASINING NA PAGLALARAWAN
ANG ILAW NG AMING TAHANAN
ni Maryiel C. Cabacungan (1-8BSHM)
Masining na Deskripsyon ng ilaw ng aming tahanan “Evangeline Cabacungan”. Marahil sa isang tahanan ay mayroong haligi ng tahanan ngunit hindi mawawala ang ilaw ng ating tahanan. Kagaya na lamang ng mapapansin ninyo sa larawan o imahe sa itaas, mapapansin ang kanyang maaliwalas na mukha dala ng sinag ng araw, at mayroong mala-uling na buhok dahil sa kaitiman na sa tuwing dumadaan ang hangin ay sumasayaw ito. Makikita ang kumikislap at mapupungay nitong mata bakas ang pagiging pagiging pusong mamon. Ang mga malalapad nitong ngiti na abot tenga, ang nakadapang ilong at bilugan nitong mukha na tila bola. Maputi ngunit hindi maihahambing sa anak-araw. Mala-dwende ang laki at mayroong mataas na timbang.
Bilang ako’y bunga ng pagmamahalan ng aking ina at ama.
Masasabi kona mayroon siyang pusong
mamon dahil sa mga magagandang nagawa nito sa aming barangay. Bukas-palad lalo na sa
mga kapus-palad,
naaalala ko pa noong ako’y may gatas pa sa bibig, noong kami ay nakaluluwag ang bulsa. Tinulungan niya ang aming pamilya
sa malalayong lugar na kumakalam
ang sikmura na tila nasa
dulo na ng mundo sa kalayuan. Balat-sibuyas kung ilarawan ang kanyang damdamin lalo na sa mga
pagkakataaon kung saan nagkakaalitan ang mag kasintahan. Habang kumukulo ang dugo nito sa
tuwing nakagagawa kami nang hindi kaaya-aya, lalo na ang aking buto’t balat na kapatid
na siyang lalong kinakukulong dugo nito.
Bilang kabuuan, ang aming ilaw ng tahanan ang
siyang gumagabay sa amin sa pagtahak ng daan na aming lalakbayin. Isang
responsableng ina na nais lamang ay ang ikabubuti ng kanyang mga anak. Kasabay
ng paghuni ng mga ibon,
pagsayaw ng mga puno,
malamig na simoy ng hangin ay ang inang handang protektahan at pangalagaan ang binuong pamilya.
PANGALAN: MARYIEL C. CABACUNGAN
YR/SEC: 1-8BSHM
Comments
Post a Comment