MASINING NA PAGLALARAWAN
ANG ILAW NG AMING TAHANAN ni Maryiel C. Cabacungan (1-8BSHM) EVANGELINE CABACUNGAN Masining na Deskripsyon ng ilaw ng aming tahanan “Evangeline Cabacungan”. Marahil sa isang tahanan ay mayroong haligi ng tahanan ngunit hindi mawawala ang ilaw ng ating tahanan. Kagaya na lamang ng mapapansin ninyo sa larawan o imahe sa itaas, mapapansin ang kanyang maaliwalas na mukha dala ng sinag ng araw, at mayroong mala-uling na buhok dahil sa kaitiman na sa tuwing dumadaan ang hangin ay sumasayaw ito. Makikita ang kumikislap at mapupungay nitong mata bakas ang pagiging pagiging pusong mamon . Ang mga malalapad nitong ngiti na abot tenga , ang nakadapang ilong at bilugan nitong mukha na tila bola . Maputi ngunit hindi maihahambing sa anak-araw . Mala-dwende ang laki at mayroong mataas na timbang. Bilang ako’y bunga ng pagmamahalan ng aking ina at ama. Masasabi kona mayroon siyang pusong mamon dahil sa mga magagandang nagawa ni...